LA TRINIDAD, Benguet - Anim na pulis-Cordillera ang binigyan ng parangal matapos maaresto ang tatlong wanted sa magkakahiwalay na lugar sa Benguet kamakailan.

Ang unang dalawang pulis na sina Major Joshua Mateo at Corporal Blanco Agagon, Jr., kapwa nakatalaga sa La Trinidad Municipal Police Station ay binigyan ng Medalya ng Kagalingan (Medal of Merit).

Mismong si Police Regional Office-Cordillera chief, Brig. Gen. David Peredo, Jr. ang nagparangal kina Mateo at Agagon sa isinagawang command visit nitong Abril 4.

Pinarangalan ang dalawa matapos maaresto ang No. 7 most wanted person sa Baguio City kamakailan.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Binigyan din ng kahalintulad na parangal sinaMaster Sgt. Mark Saoyao at Patrolman Rhodallyn Dagman, kapwa nakatalaga sa Tuba Municipal Police Station matapos dakpin sa kanilang nasasakupan ang isang murder suspect sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ngCommunity Corrections Officer ng Braunschweig County Court of Germany.

SinaStaff Sgt. Jasmin Apple Salve at Corporal Mambi Fuchigami, kapwa nakatalaga sa Itogon Municipal Police Station ay binigyan ng Medalya ng Kasanayan (PNP Efficiency Medal) matapos arestuhin ang isang wanted sa kasong Acts of Lascviousnessna may kaugnayan sa Republic Act 7610.