Binasag ng aktres na si Sunshine Cruz ang kaniyang katahimikan hinggil sa kumakalat na isyung siya raw, ang kaniyang pamilya at mga kaibigang celebrities ang dahilan kung bakit na-bump off ang ilang pasahero ng isang airline sa business class, dahil daw sa pagpapa-VIP nila.

Patungong Bali, Indonesia ang naturang flight at nagkataong sa Bali nagpunta ang pamilya ni Sunshine gayundin ang mga kaibigang sina Ruffa Gutierrez, Raymond Gutierrez, at Bubbles Paraiso kaya naman kinuyog sila ng netizens.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Inusisa ng isang babaeng pasahero kung sila ba ang tinutukoy na celebrity na dahilan daw kung bakit maraming nabump off na pasahero sa business class, o inilipat sa ibang cabin class kaya kawawa naman daw ang commoners.

Depensa naman ni Sunshine, hindi sila ito at maaga silang nag-book ng flight.

Tumugon din ang isang taga-airline company at sinabing wala sa kanilang rules and regulation na basta mag-bump off ng mga pasahero kahit na celebrity pa ang mga nakasakay sa isang class na may parehong flight.

Ang siste, itong nagreklamong pasahero ay hindi naman pala na-bump off at natuloy ang paglipad sa orihinal na business class seat, kung ano ang nakasaad sa kanilang tickets.

Kaya nagpuyos ang kalooban ni Sunshine dahil nananahimik silang nagbabakasyon, tapos kukuyugin nga naman sila ng netizens dahil sa rant post na ngayon ay burado na raw.

'Nagpa-reserve s'ya at nakasakay pero nag-ingay on her FB then nagdelete kanina and people have been bashing us since we arrived Bali. Not fair," ani Sunshine sa isang netizen na nagtanong sa kaniya.

Giit pa ni Sunshine, "Not us! Booked and paid since first week of March. My family and friends have tickets to Bali at nakasakay ka din naman pala girl. Hinayaan mo pang i-bash at guluhin kami ng mga tao sa insidente na wala kaming kaalam-alam at kasalanan. Ngayong lumaki ang issue deleted na ang post mo girl?!"

"Let’s not assume lalo na di naman pala sure para hindi tayo nakakasakit at nakakagulo ng ibang tao. A Blessed Holy Week to everyone," mababasa pa sa post ni Sunshine kalakip ang ilang artikulo patungkol sa isyu.