Nagtalaga na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng officer-in-charge (OIC) ng bagong likhang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

SiAbdulraof Macacuaay ipinuwesto ni Marcos bilang OIC ng Maguindanao del Norte habang si Bai Mariam Mangudadatu ay pansamantalang hahawak sa Maguindanao del Sur.

Pinanumpa na ni Marcos sa kanyang tungkulin si Macacua nitong Miyerkules, Abril 5.

Isa sa magiging trabaho ni Macacua ay mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa lugar tungo sa pag-uland nito.

Saklaw ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang dalawang lalawigan.

"Macacua’s appointment is seen as a demonstration of this administration’s commitment to the mainstreaming of the peace process, as well as the continued engagement of the Bangsamoro community to ensure the gains of democracy, peace, and development in the region," bahagi ng pahayag ng Malacañang.

SiBai Fatima Ainee Limbona Sinsuat ay itinalaga rin ng Pangulo bilang OIC ngOffice of the Vice-Governor ng Maguindanao del Norte.

Ipinuwesto naman si Datu Nathaniel Sangacala Midtimbang bilang OIC ng Office of the Vice Governor ng Maguindanao del Sur.

Betheena Unite