Sarado muna sa publiko ang Manila Baywalk dolomite beach sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.
Layunin ng hakbang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) nitong Miyerkules, Abril 5, na bigyang-daan ang paggunita sa Semana Santa.
"It will be open to the public on Black Saturday and Easter Sunday from 6 AM to 6 PM," ayon sa DENR.
Inaasahan naman ng ahensya na dadagsa ang mga namamasyal sa Abril 8 (Sabado de Gloria).