Nakakaloka! Isang black and white na larawan at anunsyo ng pagpanaw na umano ni Klarisse De Guzman ang malisyusong ibinahagi sa Facebook kamakailan. Ang Kapamilya singer, nag-react na!

Batay sa petsa ng burado nang post, noong Marso 19 pa nai-post ang fake news sa Facebook ngunit nitong Martes, Abril 5, lang nakarating sa Pinay diva.

Sa halip naman na masita ay walang kaabug-abog na sinakyan pa ni Klang ang fake news kung saan sa kaniyang shared post sa Facebook, naki-rest in peace na rin ang singer sa sarili. Laugh trip!

Tsika at Intriga

Habang si Maris namundok: Anthony, pumarty kasama ang Incognito stars

Klarisse De Guzman/Facebook

Tawang-tawa ang fans ng Kapamilya singer na kagaya ng kanilang idol ay nagpaabot na rin ng sarkastikong pakikiramay.

Sa kaniyang Instagram story naman, lalo pang aliw ang naging tugon lang ni Klarisse sa gawa-gawang balita.

“Jeepoy, buhay na buhay ako. Nagti-TikTok ako,” laugh trip na pagsita na ni Klang sa pinag-ugatan ng post.

Klarisse De Guzman/Instagram

Oha, isa na namang konkretong insidente ito na hindi nga lahat ng nababasa online ay totoo. Pati mga buhay pa, patay na bigla online. Kaloka! Si Klang nakapag-Asap pa nga noong nakaraang Linggo, Abril 2.

Samantala, sa katunayan ay dati pa at tila paulit-ulit na fake news na lang ang nabubuhay kaugnay sa umano’y kamatayan ni Klang.

Pagbabahagi noon ng singer, nagsimula umano ito nang mailabas ang kaniyang kantang “Paalam Na” noong 2017 kung saan tila inakala raw ng tao na nategi na siya.

Halimbawa sa YouTube kasi, ang rerehistro sa screen ay “Paalam Na – Klarisse De Guzman” at kung hindi susuriin daw ay magmumukhang pamamaalam ngang tunay sa katunayan ay buhay na buhay pang Kapamilya singer.

Sa ngayon, burado na at hindi na makikita sa Facebook ang naturang fake news.

Si Klarisse ay isang Star Music artist, ang music label ng ABS-CBN sa likod ng mga hit songs na “Wala Na Talaga,” “Ikaw at Ako.” bukod sa iba pa.

Noong 2021, si Klarisse ang itinanghal na champion sa ikatlong season ng “Your Face Sounds Familiar.”