Hindi pa natatapos ang mga tsika tungkol sa napipinto umanong rigodon sa noontime habit ng mga Pinoy mula Lunes hanggang Sabado!

Una na nga rito, nakatakdang magtapos sa ere sa darating na Abril 29 ang noontime show na "Tropang LOL" at hindi pa sigurado kung ililipat lang ba ito ng timeslot o lilipat na rin ng network. Maugong ang usap-usapang baka ang gawin dito ng Brightlight Productions ay ilipat sa ibang TV station. Ang timeslot nito ay ookupahin naman ng nagbabalik na "Face 2 Face" to be hosted by Karla Estrada, kasama ang komedyanteng si Alex Calleja.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/03/30/tropang-lol-hindi-raw-titigbakin-pero-lilipat-bahay/">https://balita.net.ph/2023/03/30/tropang-lol-hindi-raw-titigbakin-pero-lilipat-bahay/

Sumunod, ayon sa ulat ng Bilyonaryo, tila nakikipag-usap na raw ang TVJ o sina dating senate president Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon sa founder ng Brightlight Productions na si Albee Benitez, sa posibilidad na mag-co-produce ito sa EB, at mailipat nga ang longest noontime show sa TV5.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ito raw ang "back-up plan" ng tatlo kung sakaling magkaroon ng rigodon o rebranding sa nabanggit na noontime show, at may hanggang Abril 11 lamang daw na ibinigay na ultimatum ang TVJ sa management para magdesisyon tungkol dito.

Kung sakaling matutuloy ang paglipat ng EB sa TV5, baka ito raw ang makakapalitang kaback-to-back ng mahigpit nitong karibal na "It's Showtime" sa Kapamilya Channel, na umeere din sa TV5.

Kaya naman napagtagni-tagni ng mga netizen kung bakit sa kauna-unahang pagkakataon ay binati ni Joey De Leon ng "Happy Birthday" si Vice Ganda habang naka-live sa EB, bagay na ikinatuwa naman ng komedyante-TV host. Baka raw kasi maging "allies" na sila sa pagkakataong ito.

Isa pa sa mga dumagdag na "gatong" sa isyu ay ang tsikang nag-resign na raw sa ALLTV si Willie Revillame upang hindi makadagdag pa sa isipin ng mga Villar na siyang may-ari nito. Hindi raw maatim ni Willie na nakakatanggap pa siya ng suweldo gayong hindi na siya nagtatrabaho dahil pansamantala ngang itinigil ang shows para sa pag-aayos ng signal ng estasyon.

Muli na namang umugong ang tsikang kung wala na siyang exclusive contract sa ALLTV, puwede na raw siyang bumalik sa GMA Network kung sakali, at since may mga nakasalpak na shows sa timeslot niya dati, baka siya ang ilagay sa noontime.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/04/05/lolit-sa-isang-celebrity-ng-alltv-nagising-na-sa-reality-na-laos-na-pagbigyan-na-natin-resign-kunwari/">https://balita.net.ph/2023/04/05/lolit-sa-isang-celebrity-ng-alltv-nagising-na-sa-reality-na-laos-na-pagbigyan-na-natin-resign-kunwari/

Ang lahat ng ito ay nananatiling tsika lamang dahil wala pang inilalabas na tugon, kumpirmasyon, o pahayag ang mga nabanggit na kampo tungkol dito. Kaya abangers na lamang ang lahat sa susunod na mga kabanata!