Naniniwala ang Kapamilya singer at “Fearless Diva” na si Jona Viray na ginabayan siya ng Panginoon para hindi lang mairaos, kundi ay kabogera pang maibirit ang classic hit na “One Moment In Time” ni Whitney Houston sa “Asap Natin ‘To” noong Linggo.

Ito ang pagbabahagi ni Jona matapos mag-reflect sa aniya ay tila milagrosong pagkakaroon niya ng boses sa taas at hirap ng kanta, dalawang linggo matapos maimpeksyon ang kaniyang lalamunan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Iwas panicking and having major doubts with this one because of my current vocal condition - still recovering from laryngitis and my voice is still hoarsed for 2 weeks now,” kuwento ni Jona.

Kasabay ng gamot, pag-steam, nebulizer at pahinga, ipinasa-Diyos na lang ng singer na mairaos niya ang segment ng show tampok silang singing champions.

“I really felt His divine intervention in this performance kasi kung ako lang talaga, I know my body and my capacity esp when im sick, hindi ko talaga kakayanin to. Makakakanta maybe but very very far from this,” testimonya ni Jona na sa katunayan ay binalak pang mag-back-out sa nasabing bahagi ng programa.

“I actually wanted to back out, or ask to change my song, or change key kung di talaga pwede magback out, pero ayaw na ni tito Homer i-change ang key. 🙈Mahirap na raw dahil last minute na at maapektuhan ang before and after the song – ipagpi-pray na lang daw niya ako,” pagpapatuloy na saad ng singer.

Sa huli, nagbahagi ng kaniyang natutunan si Jona sa naging experience.

“Major takeaway and reminder for me: Don't underestimate the power of prayer and surrender.... and also to seriously take care of your instrument -- your voice,” aniya.

Samantala, dahil sa pangmalakasang version, pawang papuri lang ang inani ng Kapamilya singer mula sa fans.

“You made it Jona. The vocal range is very strong and the song arrangement is just perfect to my ear. You are still our Pinoy Pop Superstar,” komento ng isang fan.

“So awesome performance jona. You're the best talaga!”

“For me, you are one of the best singer, your voice is amazing! Super galing galing mo👏👏👏👏👏God bless you always! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

“Perfect rendition, thanks Jonalyn, you are prayed for healing, we love you!”

“Indeed a supramazing performance!”

“You're truly a gem Jona.❤️

“I watched your performance last Sunday and I never knew that you are not feeling well....juicekolord Not feeling well pa yan ang galing nga eh👏👏👏👏😍I Prayer is indeed true, I can testify too.😇🙏

“Best rendition ever!!!!!!”

“OMG. What a superb outstanding performance. She more than gave justice to Whitney Houston's iconic song and more. God bless you Ms Jona Viray. So proud of you.”

“Your one of a kind Jona. Amazing and that was one of your powerful performance. God bless always.”

“Pakkkkkk pasabog i love her rendition!”

“Ang galing! Super linis ng pagkakanta nya ganda pa ng version.😍

Sa pag-uulat, nasa mahigit 36,000 reactions at halos 700,000 views na ang viral performance ni Jona sa Facebook pa lang.