Nagdulot ng tensyon ang isang bag na iniwan sa isang pamilihan sa Maynila matapos mapagkamalang bomba nitong Miyerkules, Abril 5.

Matapos matanggap ang impormasyon, kaagad na nagresponde ang mga tauhan ng Manila Police District-Bomb Disposal squad sa Linao Street, Paco Market.

Unang pinalapit sa kaduda-dudang bag ang isang bomb-sniffing dog na kaagad na umupo sa lugar.

Dahil dito, kaagad na nilapitan ang bag at nang buksan ay naglalaman pala ito ng vape products.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Umapela naman ang pulisya na huwag mag-iwan ng mga kahina-hinalang bag sa pampublikong lugar upang hindi magdulot ng pangamba sa publiko.