Napa-sana all na lang ang followers at netizens sa regalo ni Viy Cortez sa kaniyang long-time partner na si Cong TV matapos niya itong regaluhan ng brand new na motorsiklo.
Ayon sa Instagram post ni Viy, kahit na may baby na sila ni Cong ay gusto pa rin niya itong gawing baby.
"May baby na tayo pero be-baby-hin padin kita🥰 iloveyou!"
"Regalo ko kay cong uploaded na sa yt!," aniya.
Napanganga ang mga netizen nang malamang nasa kulang-kulang ₱400k ang halaga ng naturang motorsiklo. Ito ay Suzuki Burgman400 abs 2023.
"Deserve naman 'to ni Cong. Ngayon ko lang siya bineybi nang ganito," sey ni Viy.
Kinumpirma naman ng motorcycle company ang pagbili ni Viy ng broom broom sa kanila.