Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang isla ng Sumatra sa kanlurang bahagi ng Indonesia nitong Lunes ng gabi, Abril 3.
Sa ulat ng Agence France Presse, nangyari ang lindol na may lalim na 84 kilometro dakong 9:59 ng gabi (1459 GMT).
Namataan ang epicenter nito sa dagat ng timog-kanluran ng Padangsidempuan City sa northern Sumatra, ayon sa United States Geological Survey (USGS).
Wala naman umanong tsunami warning ngunit pinag-iingat ang mga residente sa kalapit na lugar dahil sa posibleng aftershocks.
Bagama't naramdaman ng ilang mga residente ang pagyanig sa kanilang mga tahanan, wala pa naman umanong naiulat na pinsa saadla o nasugatan sa nasabing pagyanig.
Nakaposisyon ang Indonesia sa Pacific "Ring of Fire" kaya'y madalas umanong nararanasan ang seismic at volcanic activity dito.
Noong Nobyembre 21, tinatayang 602 indibidwal ang nasawi matapos yanigin ng magnitude 5.6 na lindol ang lalawigan ng West Java.