Binabarda ngayon sa social media lalo na sa Twitter ang naging performance ng mga aktor na sina Edward Barber at Seth Fedelin sa longest-running musical variety show na "ASAP Natin 'To" noong nakaraang Linggo, Abril 2, dahil tila kulang pa raw sa praktis ang dalawa.

Kitang-kita sa mga kumakalat na spliced videos na hindi tugma ang steps ng dalawa at idinaan na lamang sa pagngiti ang mga pagkakamali.

Isa pa sa ipinuputok ng butsi ng netizens, lalo na ang mga tagahanga ng all-girl group na "BINI," parang ginawa lang silang back-up dancers ng dalawa. "Nakakahiya" naman daw.

May mga nagsabi pang mas maganda pa ang production numbers ng "It's Showtime" ngayon kaysa sa ASAP na kung tutuusin ay weekly show naman.

National

Inflation, 'most urgent concern' na dapat pagtuunan ng PBBM admin -- OCTA

Isa nga sa mga pumintas dito ay ang kilalang "alt account" ng GMA na @AltGMA.

"Papunta na sa Party Pilipinas 'tong ASAP. Pito pitong prods na mukhang walang rehearsals."

https://twitter.com/KafosoMo/status/1642483074813272064

Narito ang ilan sa mga kuda ng netizens.

"nanonood pa man din ng live yung mga big bosses ng TV5 jan kanina tska si Madam CV. yung tipong may defense kayo sa klase taz di mo nadefend ng maayos! jusko po!!!"

"don't blame the artist, blame the asap production itself.. 10am madalas yung call time mga 30mins lang ituturo yung sayaw, then wardrobe/make up ng isang oras, tapos isasalang na ng 12"

"sino kayang may pakana nito? ginawang back up dancer mga p pop??? tapos sa gitna mga pangit sumayaw?"

"Hahahaha jusko bakit ba kase pinipilit pasayawin yan. Mag hang over pa ata from SM prom… nakakamiss ung @dprincessmaja era."

Samantala, wala pang tugon, reaksyon o pahayag ang pamunuan ng ASAP tungkol dito.