Usap-usapan ngayon ang pasaring ng mamamahayag na si Ramon Tulfo, kapatid ni Senador Raffy Tulfo, sa ilang opisyales ng Commission on Elections (Comelec) na aniya ay nagmamay-ari ng luxury cars.

Kinukuwestyon ni Tulfo kung paano sila nakakuha ng pambili ng gayong mamahaling sasakyan, kagaya na lamang ng Lexus.

"Maraming opisyal ng Commission on Elections (Comelec) ang nagmamaneho o nagmamay-ari ng Lexus o ibang luxury cars or SUVs.," ani Tulfo sa kaniyang Facebook post.

"Saan nila ninakaw, este, kinuha yung perang pinambili nila ng mga mamahaling kotse o SUV?"

"Teka. Katatapos lang ng 2022 national elections."

"Ah….alam na natin," sey pa ng journalist.

Screengrab mula sa FB ni Ramon Tulfo

Wala namang tinukoy si Tulfo kung sino sa mga opisyal ng Comelec ang pinariringgan niya.