Nanawagan si Pope Francis sa publiko na ipagdasal ngayong Semana Santa ang mga taong nasalanta ng digmaan sa bansang Ukraine.
Sa kaniyang Twitter post nitong Lunes, Abril 3, ibinahagi ni Pope na sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon, maaaring maatim ng bawat isa ang kapayapaan.
“During these days of Holy Week, let us #PrayTogether more intensely for the war-torn people of Ukrainia, and for all peoples experiencing war, that with God's help, paths of peace might be opened,” ani Pope Francis.
Nagsimula ang giyera sa Ukraine matapos itong lusubin ng bansang Russia noong Pebrero 24, 2022.
Kamakailan lamang ay anim ang nasawi matapos umanong paputukan ng Russia ng missiles ang isang mataong lugar sa silangang lungsod ng Kostyantynivka, Ukraine.
BASAHIN: Russia, inatake ang silangang Ukraine; anim, patay!