Sinabi ng aktor, TV host at dancer na si Vhong Navarro na panata niyang mahalin ang misis na si Tanya Bautista na naging kaagapay niya at hindi siya iniwan sa laban niya, pahayag niya kahapon ng Lunes, sa noontime show na "It's Showtime."

Ayon kay Vhong, babawi siya nang bonggang-bongga sa kaniyang misis lalo't marami siyang narealize habang nasa loob siya ng kulungan, dahil sa mga kasong isinampa sa kaniya ng modelong si Deniece Cornejo.

"Ang panata ko hindi lang ngayong Holy Week, gusto ko araw-araw, iyong mahalin ko 'yong asawa ko araw-araw… malaki ang pagkukulang ko," aniya.

Dati raw, puro trabaho ang iniisip niya. Pero ngayon, mas gusto na niyang ilaan pa ang oras sa misis at mga anak.

National

Jam Magno mahal si FPRRD, pero 'di suportado mga anak niya

Kamakailan lamang ay ibinasura ng Korte Suprema ang mga kasong isinampa sa kaniya ni Deniece kaya naman tuluyan nang nakalaya ang komedyante-TV host.

Noong Pebrero 26 ay isang makabagbag-damdaming mensahe ang inialay niya sa kaniyang misis.

"Walang sawang pagpapasalamat sa pagmamahal at pagtitiyaga mo sa akin… Mahal na mahal kita my Wonder Woman! Happy Birthday Mahal."

Marso 24 naman, ibinahagi ni Vhong ang family picture nila ni Tanya at mga anak habang sila ay nasa dinner.