Hinangaan ng netizens ang video clip kung saan makikita ang "natural" na pag-arte ng social media personality na si Toni Fowler sa isang eksena ng sikat na action-drama series na FPJ's Batang Quiapo.
Ayon pa sa netizens, lumi-level up umano ang acting skills ni Toni sa bawat episode ng serye.
Narito ang komento ng netizens:
"Napaka natural ni Mami Oni."
"Hoy, yung acting skills ni Toni."
"Bagay si Tanggol at si Mami Oni."
"Ang galing ni Mami Oni, lumi-level up."
"Ang galing umarte ni Mami Oni, dito lang ako napatawa."
Ginagampanan ni Toni Fowler ang role ni Chicky, at maraming tao ang nakapansin kung paanong mahusay niyang nilaro ang kaniyang role.
Walang kahirap-hirap na nag-viral ang nakakatawang eksena ng palitan nila ng banat sa karakter ni Coco bilang si Tanggol, at inulan ito ng positibong komento sa netizens. Ang video na in-upload ng ABS-CBN sa TikTok ay mayroon na itong 247k likes at 3.6 million views.