Isiniwalat ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Lunes, Abril 3, na umabot na sa 15,783 litro ang kanilang nakolektang oily water mixture sa isinagawang offshore oil spill response operations.

Sa kanilang Facebook page, ibinahagi rin ng PCG na nakakolekta naman sila ng 132 sako ng oil-contaminated materials nitong Lunes.

Dahil dito, tinatayang 4,526 sako at 22 drums na umano ang bilang ng basurang nakolekta ng PCG sa mga baybay-dagat ng 13 apektadong mga barangay sa Naujan, Bulalacao, at Pola, Oriental Mindoro, mula Marso 1 hanggang Abril 3.

Ang mga nasabing nakolektang oil water mixture at oil-contaminated materials ay dulot ng mga tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress, na may kargang 800,000 litrong industrial fuel oil, sa karagatan ng Naujan noong Pebrero 28.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Bukod sa Oriental Mindoro, nakarating na rin umano ang epekto ng nasabing oil spill sa ilang bahagi ng mga mga probinsya ng Antique, Palawan at Batangas.

Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sinimulan na ng mga awtoridad ang “bagging operation” upang masarhan umano ang mga tumatagas na bahagi ng lumubog MT Princess Empress.

BASAHINBagging operation sa MT Princess Empress, sinimulan na!