Inaresto ng pulisya ang isang lalaki dahil sa umano'y pangmomolestiya sa isang 14-anyos na babae sa loob ng isang hotel sa Novaliches, Quezon City nitong Martes, Abril 4.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Edmar, 35, residente ng Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), nangyari ang insidente matapos mamataan ng suspek ang biktima na naghihintay ng pampasaherong jeepney sa San Antonio Subdivision, Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City alas-9:20 ng gabi, Abril 3.

Sinabi ng pulisya na ang suspek, na nagmamaneho ng motorsiklo, ay huminto sa harap ng biktima at inalok siyang sumakay pauwi, na tinanggap naman niya.

Niyaya ng suspek ang biktima na kumain sa malapit na restaurant bago umuwi, ayon sa pulisya.

Probinsya

Lolang maghahatid sana ng apo, patay sa aksidente!

Pagkatapos ay nagmaneho umano ang suspek sa isang hotel sa Susano Road sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City, kung saan siya nag-check sa biktima.

Sinabi ng biktima sa pulisya na niyakap siya ng suspek at hinawakan ang kanyang mga binti habang nasa loob sila ng hotel room.

Biglang huminto ang suspek at lumabas ng kwarto nang umiyak ang biktima.

Nakipag-ugnayan ang biktima sa kanyang kaibigan na agad namang sinundo sa hotel. Ini-report nila ang insidente sa QCPD Novaliches Police Station (PS 4).

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga operatiba ng QCPD PS 4 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek nitong Martes.

Sinabi ng pulisya na ang suspek ay kakasuhan ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Republic Act 7610 o An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation, and Discrimination, and for Other Purposes.

Diann Ivy Calucin