Humingi ng dispensa ang dating senador at vice presidential candidate na si Atty. Kiko Pangilinan sa kaniyang misis na si Megastar Sharon Cuneta dahil hindi na naman niya ginawa ang madalas na paalala nito sa kaniya, at palaging nirereklamo kapag aalis siya ng bahay.

Nothing serious naman: ito ay ang pagkalimot lang naman na hindi magsuklay ng buhok kapag lalabas o aalis ng bahay! Kakaloka!

"Heto ang isa sa reklamo ni Mrs about me. Yung nakakalimutan ko magsuklay ng buhok bago umalis ng bahay for meetings etc," ayon sa tweet ng dating senador kahapon ng Lunes, Abril 3.

"Napansin ko n alang sa mirror sa elevator nung paalis na ako na magulo pa pala yung buhok ko… acheche. Sorry, sweetheart. I did it again??."

National

SP Cayetano sa posibleng kudeta ulit sa Senado: 'Buo yung 13, sa 13, walang onsehan!'

https://twitter.com/kikopangilinan/status/1642681284270112768

May mga netizen naman na nag-assure na guwapo pa rin naman siya kahit "mahangin-ba-sa-labas" ang peg.

"Ok lang po 'yan sir. Wag lang siya ang makalimutan mo. Biro lang sir."

"Guwapo pa rin naman sir don't worry!"

"It’s okay…. At least buhok lang ang magulo hindi ang laman ng ulo… Focus ka pa rin sa pagtulong… kahit wala na sa posisyon! Idol…"