Isang food delivery rider ang nanawagan na itigil na ang pekeng booking matapos ilang beses mabiktima ng “April Fools’ Prank”.
"Stop fake booking,” Ito ang naging pakiusap ni Arvin mula sa Mandaluyong City, isang food delivery rider na ilang beses nang nabiktima ng mga pekeng booking habang ginagawa niya ng maayos ang kaniyang trabaho.
Mabilis na nag-viral online ang kaniyang post at umani ng mga reaksyon mula sa mga netizens.
Sa panayam ng Balita, nagiging karaniwan na umano para sa mga customer na gumawa ng mga pekeng order sa pamamagitan ng kanilang delivery application.
"May pumasok order/booking, ngunit nung nakuha ko na po ang order sa Jollibee at maihatid sa mismong location niya ay hindi ko na macontact, mga 9 beses ko itong tinawagan pero hindi talaga siya sumasagot," kuwento niya.
"Kaya nireport ko na ito kay Food Panda para maconfirm nilang hindi sumisipot or matawagan ang aming customer na si Ma'am Richelle at para maipa-cancel ang kaniyang order dahil kapag pinatagal ko pa po yung order sa aking app maaring mag dulot ito ng automatic complete at possible na aabonohan ko yung order niya gawa ng ito ay Cash On delivery o hindi pa bayad."
Aniya, sobrang dismayado siya dahil nag-post pa siya bago magtrabaho ng, "April Ngayon sana walang mag mag Fakebook samin."
Kung kaya't nakikiusap siya dahil inaaksaya nila ang oras at pagsisikap ng mga rider na kailangang maghanda ng pagkain at maghatid sa dapat na lokasyon.
"Bukod sa kinakaharap naming peligro sa daan ay wag niyo na po sanang dagdagan pa ng mga gantong prank" dagdag niya pa.
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!