Binalaan ng Department of Health (DOH) nitong Martes ang publiko laban sa pagpapapako sa krus at pananakit sa sarili ngayong Mahal na Araw.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ang mga naturang aktibidad.

Kabilang aniya sa sakit na maaaring makuha sa mga naturang aktibidad ay tetanus o impeksiyon dahil sa bakterya na tinatawag na Clostridium tetani. 

“‘Yung flagellation, ‘yung pagpapako sa krus, we do not encourage and we really do not push for or support these kinds of activities during the Lenten season,” ani Vergeire.

Kaufman, isinisi kay PBBM pagkakadetine ni FPRRD sa ICC

“Unang una, ang maaari niyong makuha ‘pag kayo ay nagpapapako sa krus ay tetano. Maaaring ma-tetano rin kayo sa flagellation, ‘yung hinahampas, minsan may mga pako rin ‘yung dulo ng panghampas,” dagdag pa niya.

Maaari rin aniyang magkaroon ng mga galos at sprain kung magpapapako sa krus.