Kaagad na nag-post ng kaniyang sorry si "Parokya ni Edgar" lead vocalist Chito Miranda matapos na hindi mapagbigyan ng selfie ang ilang fans na nakasabay sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Aniya sa kaniyang tweet, aligaga sila ng misis na si Neri Miranda at kasama pa nila ang mga junakis; siyempre, uunahin nilang makaalis sa airport, plus may mga bitbit pa silang bagahe.

"Nais ko lang po mag-sorry sa mga kasabay namin sa flight kanina na hindi ko napagbigyan magpa-picture paglapag natin sa NAIA," aniya sa kaniyang tweet bandang tanghali ng Abril 3.

"Medyo aligaga lang kami ni Neri kasi tulog si Cash at ang dami namin kelangang asikasuhin, bitbitin na gamit, along with pag-alaga kay Miggy and Ate Pia."

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

https://twitter.com/chitomirandajr/status/1642741291242110977

Ibinahagi pa ni Chito ang screengrab ng kaniyang tweet sa kaniyang Instagram post.

Sey naman ng netizens, wala naman dapat ipag-sorry si Chito dahil kailangan din namang irespeto ang personal space ng mga kagaya nilang artista.

Matatandaang ilang celebrities ang napa-isyung suplado/a o isnabero/a dahil hindi napagbigyan ng selfie ang kanilang fans habang sila ay nasa pampublikong lugar.