Nagulat ang Kapuso actress na si Lianne Valentine nang harap-harapan siyang "komprontahin" ng aktres at TV host na si Carmina Villaroel nang mag-guest siya sa isang cooking segment ng "Sarap Di Ba."
Kasama ang co-host na si Boobay, inuntag ni Mina si Lianne kung totoo bang nagkaroon sila ng relasyon ng mister na si Zoren Legazpi; kalma lang, dahil ang tinutukoy ng misis ng aktor ay sa pinag-usapang afternoon series na "Apoy sa Langit."
"Totoo bang nagkaroon kayo ng relasyon ni Zoren… sa show, hindi pa ako tapos," witty na sundot na tanong ni Carmina.
Natawa naman silang pare-pareho nina Lianne at Boobay.
Sagot naman ni Lianne, oo raw, kung ang pag-uusapan ay sa kanilang mga karakter sa show.
Grabehan naman kasi ang maiinit na eksena nila ng 51-anyos na aktor na talaga namang nag-trending.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/08/16/carmina-di-keri-ang-pakikipaglampungan-ni-zoren-outside-de-kulambo-na-ba/">https://balita.net.ph/2022/08/16/carmina-di-keri-ang-pakikipaglampungan-ni-zoren-outside-de-kulambo-na-ba/
Samantala, noong Nobyembre 2022 ay ginunita nina Mina at Zoren ang kanilang 10th wedding anniversary.
Ikinasal ang dalawa noong 2012 at sa ngayon ay may dalawa silang anak na nasa showbiz na rin, sina Cassie at Mavy na parehong homegrown talents ng Kapuso Network.