Kaway-kaway, FiLay/BarDa fans!

Inanunsyo ng "Sparkle GMA Artist Center" na magkakapelikula na ang sikat na tambalang "BarDa" o sina Barbie Forteza at David Licauco, na mababasa sa kanilang opisyal na Facebook page.

Hindi pa idinetalye ang pamagat ng pelikula subalit ito ay ididirehe ni Direk Cathy Camarillo, sa ilalim ng Pocket Media Productions Inc.

"#BarDa on the big screen?! 😱"

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"Another first for Barbie Forteza and David Licauco 🥰 Catch them in a film together this 2023. Here they are with Director Cathy Camarillo!"

"Stay tuned," ayon sa announcement.

Nag-boom ang kanilang tambalang #FiLay o Fidel-Klay sa patok at award-winning fantasy-historical drama series na "Maria Clara at Ibarra" na hango sa walang kamatayang nobela ni Dr. Jose Rizal na "Noli Me Tangere."