Hindi na muna matutuloy ang "BFF Live" concert ng mga komedyanteng sina Pokwang at K Brosas sa Las Vegas, Nevada USA matapos umanong "mang-ghosting" ang concert producer nito.

Mababasa sa Instagram post ni Pokwang ang kaniyang anunsyo gayundin ang paghingi ng tawad sa mga manonood na nakabili na ng tickets.

"To all of my Kababayans/Kapuso in Las Vegas. On behalf of LX2 management, I regret to inform you that our show BFF concert, which was scheduled on today April 2, 2023, has been canceled."

"We know you, we're really looking forward to this. Unfortunately, due to cancellation, my management had no choice but to take this course of action."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"I appreciate your patience and looking forward to do this show again. Maraming salamat!" ani Pokwang.

Gayundin ang laman ng latest Instagram post ni K, na sa tanang pag-world tour at show nila, ngayon lamang nakaranas na makansela ang show dahil sa pagtatago ng producer.

"Nakakaiyak.. now lang nangyari sa akin/amin 'to sa tagal na namin nagto-tour… at nakakahiya sa mga nakabili na ng tix.. pero wala po kaming magagawa as performers… pasensya na po… pakibasa na lang po maiigi mga kakulto dito Las Vegas."

Hindi na raw nagpakita ang producer ng show na si Vince Gesmundo ng Vynz Muzik LLC. Dahil hindi raw nabayaran sina Pokwang at K, pansamantalang nakituloyang dalawa sa bahay ng isang Pilipino sa Las Vegas.

Sa comment section ng kanilang IG posts, marami na ang nagtatanong kung may reimbursement pa bang magaganap sa tickets, lalo na iyong mga nakabili na.

Narito naman ang buong opisyal na pahayag ng LX2 Entertainment, ang promoter ng Las Vegas show nila:

“LX2 Entertainment Corp. deeply regrets to announce the cancellation of the highly anticipated BFF Live in Las Vegas (the Show) featuring K Brosas and Pokwang in Las Vegas on 02 April 2023 after a thorough and careful evaluation of the circumstances surrounding the contractual breach of the show’s producer, Vynz Muzik LLC. We extend our heartfelt apologies for any inconvenience this cancellation may have caused."