Pinangunahan ni Pope Francis ang Misa ng Linggo ng Palaspas nitong Abril 2, kung saan ito ang kaniyang unang pampublikong pagpapakita pagkatapos makalabas mula sa Gemelli Hospital ng Roma nitong Sabado, Abril 1.

Naospital si Pope Francis noong Miyerkules, Marso 29, dahil sa respiratory infection.

BASAHIN: Pope Francis, nakalabas na sa ospital: ‘I am still alive’

Sa ulat ng Vatican, tinatayang animnapung libong mananampalataya umano ang nakibahagi sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sa Palm Sunday Mass nitong Linggo ng umaga, umikot ang homiliya ni Pope Francis sa sinambit ni Hesus noong pinako siya sa krus: 'Panginoon, Panginoon, bakit mo Ako pinabayaan?'

"Those words bring us to the very heart of Christ’s Passion, the culmination of the sufferings He endured for our salvation," ani Pope Francis.

Ayon kay Pope, nang mga sandaling ipinapako sa Krus si Hesus at sinambit ang katagang iyon, naranasan niya ang pag-abanduna ng Panginoon, lalo na’t iyon lamang umano ang unang pagkakataong tinawag niya ang Ama sa generic na tawag na “Panginoon”.

Dagdag ni Pope Francis, ang maaaring tanging dahilan kung bakit naramdaman ni Hesus iyon sa Panginoon ay para manatili siya sa tabi ng bawat isa; na naranasan ni Hesus ang abandunahin upang hindi tayo tuluyang makaramdam ng kawalan ng pag-asa.

"He became one of us to the very end, in order to be completely and definitively one with us so that none of us would ever again feel alone and beyond hope,” ani Pope Francis. "[O]n the cross, even as he felt utter abandonment, Jesus refused to yield to despair; instead, he prayed and trusted, commending himself into the hands of the Father, despite the distance he felt.”

"Brothers and sisters, a love like this, embracing us totally and to the very end, can turn our stony hearts into hearts of flesh, and make them capable of mercy, tenderness, and compassion,” saad niya.

Mula rito, ipinahayag ni Pope Francis ang pang-iiwang nararanasan ng bawat indibidwal sa kasalukuyan, partikular na ang pagbanggit niya sa isang homeless German na si Burkhard Scheffler, na namatay noong Nobyembre 2022 sa ilalim ng colonnade ng Saint Peter's Square.

Saad ni Pope Francis, napakaraming tao ang nangangailangan ng ating presensya dahil napakaraming tao ang inabandona sa lipunan. At kung paanong kailangan nating lahat ang pagiging malapit ni Hesus sa ating buhay, kailangan din nating lumabas upang hanapin si Hesus sa mga inabandona – sa mga nag-iisa.

“The rejected and the excluded are living icons of Christ: they remind us of his reckless love, his forsakenness that delivers us from every form of loneliness and isolation,” ani Pope Francis.

“Love Jesus in his abandonment and love Jesus in the abandoned all around us, as then, and only then, will we be of one mind and heart with the one who, for our sake, 'emptied himself'.”