Nagpakawala ng tweet ang international award-winning actress na si Dolly De Leon na nananawagan sa senado na baka naman puwedeng talakayin na ang "Eddie Garcia Bill."

Ang panukalang-batas na ito, na ipinangalan sa yumaong beteranong aktor na si Eddie Garcia na nagkaroon ng neck injury matapos matalisod sa kable habang nasa taping, ay kilala bilang House Bill 1270, o proposed Eddie Garcia Act, "which aims to provide workers in those industries opportunities for gainful employment and a decent income, and protect them from abuse, harassment, hazardous working conditions and economic exploitation," ayon sa ulat.

Noong Pebrero 6, 2023 ay napaulat na pumasa na sa third and final reading ang Eddie Garcia Act na magbibigay ng mas magandang working conditions para sa movie, television at radio entertainment industry.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, mabibigyang-benepisyo ng bill ang libo-libong manggagawa sa sektor ng entertainment.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

“It would ensure that they continue to have gainful employment and protect them against abuse, harassment, dangerous working environment and exploitation,” aniya.

Kaya pakiusap ni Dolly na sana ay makalusot na rin ito sa senado, yaman din lamang na marami sa mga senador ay dating artista gaya nina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Lito Lapid, at Robin Padilla. Si Senadora Grace Poe naman ay anak ng yumaong beteranang aktres na si Susan Roces.

https://twitter.com/DollyEdeLeon/status/1642397349162131456