Kinumpirma ng Malacañang nitong Lunes, Abril 3, na dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa gaganaping koronasyon nina His Majesty King Charles III at Her Majesty the Queen Consort sa Westminster Abbey, London, England sa darating na Mayo 6.

Sa pahayag ng Malacañang, ibinahagi nitong ang tinanggap din ng Pangulo at First Lady ang imitasyon ng Master of the Household sa atas ni His Majesty.

“[T]he President and the First Lady have accepted the invitation of the Master of the Household, upon command of His Majesty, to a Reception to be given at Buckingham Palace in advance og the Coronation of Their Majesties The King and The Queen Consort on Friday, 5th May, 2023 at 5:00 p.m.,” saad ng palasyo.

Sa ulat naman ng ABS-CBN, sinabi ni Philippine Ambassador to the United Kingdom Teodoro Locsin Jr. na hindi magtatagal si Marcos sa England, dahil kailangan pa umano niyang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Indonesia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nakatakdang magsimula ang ASEAN Summit sa darating na Mayo 9.