Dalawang indibidwal ang inaresto ng mga miyembro ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Makati City Police dahil sa pagbebenta ng mga rehistradong SIM card sa Barangay Poblacion, Makati City nitong Linggo, Abril 2.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jinxing Zhao, 29; at Cristobal Cacayurin Jr., 56.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap ang mga awtoridad ng tip mula sa isang confidential informant na nagsasabi na sina Zhao at Cacayurin ay nagbebenta ng mga rehistradong SIM card na may mga aktibong GCash account. Ito ang nagtulak sa mga pulis na magsagawa ng buy-bust operation laban sa mga suspek na nauwi sa pagkakaaresto sa kanila.

Narekober sa mga suspek ang 50 rehistradong Globe prepaid sim card at ang boodle money.

National

32 katao naitalang naputukan; FWRI cases sa bansa, pumalo na sa 101!

Sina Zhao at Cacayurin ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 11934 o ang Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act at ang Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Patrick Garcia