Nasa plenaryo na ang panukalang resolusyon bilang pagkilala kay “He’s Into Her” star Belle Mariano matapos ang makasaysayang pagkapanalo ng Kapamilya actress ng Outstanding Asian Star Prize sa Seoul International Drama Awards (SDA) noong nakaraang taon.

Ang HR No. 884 ay aprubado na ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts sa pangunguna ni Pangasinan 4th district Rep. Christopher de Venecia.

Si Belle ang kauna-unahang Pinay actress na naparangalan ng SDA.

Basahin: Belle Mariano, unang Pinay actress na kinilala bilang ‘Outstanding Asian Star’ ng Seoul International Drama Awards – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Matatandaan ang trending na pagtanggap ni Belle sa prestihiyusong award noong Setyembre 2022 kung saan sa edad na 20-anyos, tinalo ng young star ang nasa 175 iba pang nominado sa iba pang bahagi ng rehiyon ng Asya.

Una nang pinarangalan ng parehong pagkilala ang Kapuso actors na sina Alden Richards noong 2019 at Dingdong Dantes noong 2020.

"Mariano's feat on the international stage recognizes the high-caliber talent of the Filipino in the field of acting," anang resolusyon.

"She has brought great pride to the Philippines as a promising cinematic and on-screen talent," dagdag nito.

Ang SDA ay taunang international awards ceremony na kumikilatis at kumikilala sa husay at kalidad ng mga palabas sa TV at film drama sa buong mundo. Taong 2006 nang ito’y mailunsad sa Hallyu capital.