Dalawang lalaki ang patay nang pagbabarilin ng isang 'di kilalang salarin na sinasabing ka-transaksiyon umano nila sa ilegal na droga sa Taytay, Rizal, nitong Lunes ng madaling araw.

Ang mga biktima ay kinilala lamang sa mga alyas na ‘Tony’ at ‘Potchay’, habang tinutugis na ng mga otoridad ang 'di pa nakilalang suspek na mabilis na tumakas bitbit ang 'di pa batid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Batay sa ulat ng Taytay Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa China St., Sitio Bagong Pag-asa, Brgy. Sta. Ana, sa Taytay.

Lumilitaw sa imbestigasyon na bago ang krimen ay nagkaroon umano ng transaksiyon na may kaugnayan sa ilegal na droga ang mga biktima at suspek, ngunit sa hindi pa batid na kadahilanan ay nauwi ito sa mainitang pagtatalo.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Dito na umano bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan na nagresulta sa kanilang malubhang pagkasugat habang tumakas naman ang suspek patungo sa direksiyon ng Cainta, Rizal.

Naisugod pa ang mga biktima sa Amang Rodriguez Memorial Hospital ngunit kalauna'y binawian din ng buhay.

Patuloy ang imbestigasyon sa kaso.