LA TRINIDAD, Benguet -- Arestado ng magkasanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency at Benguet Provincial Police Office ang dalawang tulak umano ng droga na nakumpiskahan ng ₱3.4 milyong halaga ng shabu sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet, noong Abril 2.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Sina Abdul Madid a.k.a. Maino, at Sidec Dula Madrid, parehong nakalista sa High Value Target (HVT) ng PDEA. 

Nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba alas-11:40 ng gabi sa presensya nina Barangay Kagawad Frederick Copalas at Prosecutor Joylyn Calde na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober ng mga operatiba mula sa mga suspek ang limang pirasong knot-tied plastic bag na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit 500 gramo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasama sa mga nakumpiskang ebidensyang hindi droga ang buy-bust money, isang mobile phone, wallet, mga ID at ATM card at ilang mga resibo sa bangko.