Inabisuhan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) CALABARZON nitong Sabado, Abril 1, ang publiko laban sa maling impormasyon na kumalat hinggil sa pagputok umano ng Bulakan Taal sa Batangas.

Binanggit ng RDRRMC na hindi totoo ang live video na ipinapakalat ngayon ng Facebook page na TaALERT na nagpapakita umano ng malalaking usok na ibinibuga ng Bulkang Taal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“[P]er verification with the DOST- PHIVOLCS, there is no unusual activity of Taal Volcano. Taal Volcano remains under Alert Level 1 status,” pahayag ng RDRRMC.

Dahil dito, pinayuhan ng ahensya ang publiko na iwasang magbahagi ng hindi wastong impormasyon dahil maaari umano itong magdulot ng panic at/o kalituhan.

“The RDRRMC CALABARZON does not tolerate this irresponsible act of the people behind TaALERT social media account,” saad pa nito.