Nagpasalamat ang Santo Papa na si Pope Francis sa lahat ng mga nagdasal sa kaniyang agarang paggaling, at patuloy na nagdarasal sa pagbuti at paglakas ng kaniyang kalusugan.

Ibinahagi rin niya ang kaniyang panalangin para sa mga taong may iniindang sakit sa lahat ng panig ng daigdig.

"I thank everyone for their closeness and prayer. I entrust the sick to Mary, especially the youngest, like those I met in the oncology ward at Gemelli. Let us pray for those who suffer the loss of dear ones and for those who work in hospitals. It takes courage. I admire them," aniya.

Internasyonal

Pope Francis, nakalabas na sa ospital: 'I am still alive'

https://twitter.com/Pontifex/status/1642149815651028993

Nagbigay rin ng kaniyang mensahe ang Santo Papa hinggil sa paggunita ng Holy Week.

"Living #HolyWeek means entering ever more deeply into God's logic, into the logic of the Cross, which is not primarily that of suffering and death, but rather that of love and of the gift of self that brings life."

https://twitter.com/Pontifex/status/1642127166811910144

Nakalabas na sa ospital si Pope Francis kahapon ng Sabado ng hapon, Abril 1, matapos ang tatlong araw niyang paggagamot sa respiratory infection.

“I am still alive,” biro umano ng pope.