LAGUNA -- Nasa P4-milyong shabu, at isang baril ang nakuha sa isang high-value individual (HVI) sa droga ng City Police Drug Enforcement Unit noong Sabado ng hapon, Abril 1 sa Barangay San Jose, San Pablo City sa lalawigang ito.

Kinilala ni Police director Colonel Randy Glenn Silvio ng Laguna Provincial Police Office ang suspek na si Dunhill, residente ng San Pablo City.

Sa ulat ni Silvio kay Police Regional Office 4A director Brig. Gen Jose Melencio Nartatez sinabe ito na dakong 4:03 p.m. nagsagawa ng drug buy-bust ang anti-narcotics operatives ng San Pablo City laban sa suspek.

Nakipagtransaksyon ang suspek sa isang police poseur buyer at nakabili ng shabu gamit ang marked money.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Hindi na nanlaban ang suspek dahil pinalibutan siya ng mga operatiba at dinakip.

Nakumpiska sa suspek ang apat na plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 600 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng P4,140,000.00 at isang caliber .38 revolver na may kargang dalawang bala, at nabawi ang marked money.

Nasa kustodiya ang suspek ng San Pablo City police, habang ang mga ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory, para sa forensic at ballistic examination at inihahanda ang reklamong may kinalaman sa droga at illegal possession of firearms and ammunition para isumite sa City Prosecutor’s Office.