Patuloy pa rin ang isinasagawang search, rescue at retrieval operations sa mga pasahero ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3 sa Basilan nitong nakaraang buwan.

Ipinaliwanag ni Philippine Coast Guard (PCG) Commodore Rejard Marfe sa isang radio interview nitong Linggo, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapadala nila ng ilang tauhan sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad sa pag-asang makapagligtas pa ng mga pasahero o makadiskubre ng mga bangkay.

Aniya, marami pa ring naghahanap ng kanilang kamag-anak na kabilang sa mga pasahero ng barko.

Nasa 32 pa ang nawawalang pasahero, ayon naman sa pahayag ng Department of National Defense officer-in-charge Carlito Galvez, Jr..

Bukod sa 29 nasawi, mahigit sa 200 naman ang nailigtas sa insidente.

Probinsya

Mag-amang PWD, patay sa sunog!

Matatandaang patungong Jolo, Sulu ang barko mula sa Zamboanga City nang biglang lumiyab sa nasabing lugar nitong Marso 29.