Inaayudahan na ng pamahalaan ang mga pasaherong nakaligtas sa nasunog na barko sa Basilan kamakailan.
Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) officer-in-charge Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr. at sinabing ang relief at financial assistance ay mula sa national at local government units (LGU).
Umabot na aniya sa ₱640,000 na tulong pinansyal at₱71,000 na halaga ng food at non-food items ang naipamahagi sa mga naapektuhan ng insidente.
Ang mga tauhan aniya ng Philippine Coast Guard (PCG) ay namahagi na rin ng mga pagkain habang nagbigay namanpsychosocial intervention sa mga survivor ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaang nasunog ang MV Lady Mary Joy 3 sa bahagi ng Baluk-Baluk Island sa Hadji Muhtamad, Basilan habang naglalayag mula Zamboanga City patungong Jolo, Sulu nitong Marso 29, na ikinasawi ng 29 pasahero.