Pansamantalang ihihinto ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang programang libreng-sakay ng bus mula sa darating na Huwebes, Abril 6, hanggang sa Lunes, Abril 10, upang bigyan umano ng panahon ang mga driver at konduktor na gunitain ang Semana Santa kasama ang kanilang pamilya.

Sa inilabas na advisory ng Quezon City Government, magpapatuloy umano ang operasyon ng free ride program sa Abril 11, dakong 5:00 ng umaga.

Matatandaang inilunsad ang nasabing libreng sakay sa lungsod noong Disyembre 7, 2020, upang lutasin ang limitadong pampublikong transportasyon noong kasagsagan ng pandemya.

Samantala, pinayuhan din ng pamahalaang lungsod ang mga motorista na suspendehin ang number coding scheme simula sa Miyerkules, dakong 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ang nasabing kanselasyon ay upang bigyang-daan umano ang mga bibiyahe sa kanilang mga probinsiya para sa pagdiriwang ng Semana Santa.

Kinansela rin naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang coding scheme mula Abril 6 hanggang Abril 10 kaugnay ng paggunita ng Semana Santa.

BASAHIN: Number coding scheme sa Abril 6-10, kinansela ng MMDA