Walang tumama ng jackpot para sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) major lotto games nitong Sabado ng gabi, Abril 1.
Ang lucky numbers para sa Grand Lotto 6/55 ay 05 - 33 - 49 - 47 - 28 - 42 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P29,700,000.
Sinabi ng PCSO na apat na taya ang tumama sa ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P100,000 at 253 na manlalaro ang nanalo sa ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P1,500.
Ang Grand Lotto ay binbola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado sa alas-9 ng gabi.
Samantala, ang masuwerteng kumbinasyon para sa Lotto 6/42 ay 25 - 03 - 40 - 13 - 10 - 31 para sa jackpot na nagkakahalaga ng P47,492,279.80.
Siyamnapung bettors ang suwerteng nakakuha ng ikalawang premyo na nagkakahalaga ng P24,000 at 3,295 na manlalaro ang nakakuha ng ikatlong premyo na nagkakahalaga ng P800.
Ang Lotto 6/42 ay binubola tuwing Martes, Huwebes, at Sabado sa ganap na 9 p.m.
Luisa Kabato