Sinimulan na ng mga awtoridad nitong Linggo, Abril 2, ang pagsasara sa mga tumatagas na bahagi ng lumubog MT Princess Empress sa pamamagitan ng "bagging operation", ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ang bagging ay isa umanong pamamaraan kung saan ang isang sasakyang pandagat ay tatakpan ng mga specialized bags na siyang sasalo sa tumatagas na industrial fuel oil mula rito.

Sa Facebook post ni Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor nitong Sabado, Abril 1, inanunsyo niya dumating na sa Oriental Mindoro ang mga specialized bags mula sa United Kingdom para nasabing operasyon.

"Naisakay na ito sa barkong Shin Nichi Maru katuwang ang PCG personnel para maitest na," pahayag ni Dolor.

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki

Inaasahan din umanong may darating na 16 customized bags mula sa planta sa Cavite sa darating na Lunes, Abril 3.

Nagpapasalamat naman si NDRRMC Executive Director Undersec. Ariel Nepomuceno sa lahat ng suporta at tulong ng iba't ibang mga bansa.

“We hope that along with these international assistance, the integrated response between government agencies and the local government units will enable us to accelerate the effort to contain the leakage and mitigate the impacts of the oil spill,” ani Nepomuceno.

Matatandaang lumubog ang MT Princess Empress, na may kargang 800,000 industrial fuel oil, noong Pebrero 28 sa Naujan, Oriental Mindoro.