Natimbog ng mga awtoridad ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na umano'y dawit sa pagdukot sa anak ng isang alkalde sa Zamboanga del Norte ilang taon na ang nakararaan.

Si Salip Yusop Habibulla, 30, taga-Barangay Pasil, Indanan, Sulu, ay inaresto ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), Task Force Zamboanga, Zamboanga City Police Office, at Criminal Investigation and Detection Group sa Mangal Drive, Barangay Baliwasan, Zamboanga City nitong Biyernes.

Sa ulat ng pulisya, sangkot umano si Habibulla sa pagdukot kay Jelster Ed Quimbo, anak ni dating Labason, Zamboanga del Norte Mayor Eddie Quimbo noong Setyembre 2017.

Noong Disyembre 31, 2018, pinakawalan na si Jelster Ed at siya na ngayon ang alkalde ng Labason.

Probinsya

Tatlong magkakapatid, magkakasunod umanong sinapian ng masamang espirito?

Nasamsam sa bandido ang isang cellular phone at isang identification (ID) card ng isang "Murhan Alih Ismael."

Inihahanda na ang kaso laban kay Habibulla, ayon pa sa pulisya.

Philippine News Agency