PANGASINAN – Patay ang isang menor de edad at dalawa pa sa dalawang magkahiwalay na insidente ng pagkalunod sa bayan ng Bolinao at Agno sa lalawigang ito noong Sabado, Abril 1.

Kinilala ang mga biktima na sina Maxine Peñalosa Bandoquillo, 9, ng Barangay Pembo, Makati City; Nestor Ubano, 58, ng Barangay Sanchez, Asingan, Pangasinan; at Rafael Pasion Licup, 31, ng Barangay Cuayan, Angeles City, Pampanga.

Ayon sa ulat, nalunod ang menor de edad na biktima sa swimming pool ng K & B Resort sa Barangay Patar, Bolinao.

Naisugod pa sa Rillera Medical Hospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa Bolinao din, nalunod si Rafael sa swimming pool ng Holy Land Beach Resort sa Barangay Patar.

Kasama naman ni Ubano ang 10 pasahero sakay ng banana boat na tumulak sa karagatan ng Sitio Cabongaoan sa Barangay Ilio-Ilio sa Burgos, Pangasinan.

Gayunpaman, pagdating sa bahagi ng Sityo Masangret sa Barangay Baruan sa Agno, bumaligtad ang banana boat, dahilan para mahulog si Ubano sa bangka at malunod.

Naisugod pa sa pinakamalapit na ospital si Nestor ngunit idineklara itong dead on arrival.