NUEVA ECIJA -- Nagpatuloy ang pagpapatupad ng search warrant sa lalawigan na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang top wanted person nitong Sabado, Abril 1.

Nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation ang mga awtoridad sa Barangay Mabini Homesite, Cabanatuan City na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang lalaking menor de edad mula sa Brgy. San Roque Norte ng naturang lungsod.

Siya ay nakalista bilang Provincial Top Wanted Person Rank No. 9, sa bisa ng Warrant of Arrest for Rape na may inirekomendang piyansa na P200,000.00.

Gayundin, ang isang kagayang operasyon na isinagawa ng mga elemento ng Carranglan Police sa Barangay Bunga, Carranglan kung saan nakorner si Robert Fernandez, 26, na itinuturing na Municipal Top 1 Most Wanted Person ng Carranglan Town.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Siya ay naaresto dahil sa paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) na may inirekomendang piyansa na P300,000.00.

Nasa kustodiya na ngayon ng nasabing operating units ang mga akusado.