Nakatakda nang ma-discharge si Pope Francis ngayong Sabado, Abril 1, matapos umano siyang magpagaling ng tatlong araw sa ospital sa Rome dahil sa bronchitis infection.

Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng Vatican na inaprubahan ng medical team ni Pope Francis ang kaniyang pagka-discharge kasunod ng nangyaring mga pagsusuri sa kaniya kaninang umaga.

Bago ang kaniyang pag-alis, binisita ng pope nitong Biyernes, Marso 31, ang pediatric oncology ward, at namigay ng chocolate Easter egg at nakipagkuwentuhan sa magulang ng mga bata.

Nagbahagi rin ang Vatican ng video ni Pope Francis habang binibinyagan niya doon ang isang sanggol na lalaki.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Matatandaang dinala sa ospital si Pope Francis noong Miyerkules, Marso 29, dahil sa mga pagkakataong nahihirapan siyang huminga.

BASAHIN: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection