Mananatili pa rin umanong accessible ang mga train stations ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na malapit sa pick-up at drop-off points ng EDSA Bus Carousel ngayong Semanta Santa upang madaanan ng mga pasahero.

Ang pagtiyak ay ginawa ng MRT-3, sa kabila nang nauna nitong anunsiyo na magtitigil sila ng operasyon mula Abril 6 (Huwebes Santo) hanggang Abril 9 (Linggo ng Pagkabuhay), bilang pakikiisa sa Mahal na Araw at pagbibigay-daan na rin sa taunang Holy Week maintenance activities ng rail line.

Base sa abisong inilabas ng MRT-3, nabatid na ang mga istasyon na mananatiling accessible sa mga commuters ng EDSA Bus Carousel ay ang North Avenue station, Quezon Avenue station, Santolan station, Ortigas station, Guadalupe station, at Buendia station.

Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng MRT-3 ang mga commuter na gumamit ng alternatibong mga transportasyon, gaya ng EDSA Bus Carousel, sa darating na Semana Santa.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Matatandaang una na ring nag-anunsiyo ng tigil-operasyon ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), gayundin ang Philippine National Railways (PNR) mula Abril 6-9 para sa kanilang taunang maintenance activities.

Inaasahan namang magbabalik ang regular na operasyon ng apat na naturang rail lines sa Abril 10, Lunes.