Mahigit isang siglo nang tumutugtog ng piano ang 108-anyos na si Colette Maze mula sa Paris, at hanggang ngayon ay marami pa ring humahanga sa kaniyang musika.

Sa ulat ng Agence France Presse, ipinanganak umano si Maze noong 1914 o bago pa sumiklab ang World War I.

Nagsimula siyang tumugtog ng piano noong limang taong gulang pa lamang siya at sa murang edad ay nanalo na sa isang kompetisyon.

"When I was little, I suffered from asthma and my mother would play violin with my piano teacher -- it would calm me," ani Maze.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

"Piano is my life, my friend. I need to feel it and hear it.”

Mula noon ay hindi na umano tumigil sa kaniyang passion si Maze pagdating sa pagpi-piano at sa ngayon ay nakatakda nang maglabas ng kaniyang pang-pitong album na "108 Years of Piano".

Bukod sa galing niya sa pag-piano, kinabibiliban din ngayon ang pagiging feeling young niya sa kanila ng kaniyang edad. Ayon kay Maze, ang pagkahilig din niya sa pagsasayaw ang tila naging sikreto niya rito.

"I did a lot of dancing," aniya. "I need to feel my muscles, my abdominals, my thighs, my arms. All that must be alive."