ILOILO CITY – Nasamsam ng 82nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army at ng Regional Mobile Force Battalion ng Philippine National Police (PNP) ang mga high-powered firearms kasunod ng engkwentro sa New People's Army (NPA) sa Iloilo noong Huwebes, Marso. 30.

Narekober matapos ang bakbakan sa limang komunistang gerilya sa Barangay Atimonan, Janiuay, ang isang M16 rifle at isang Garand rifle.

Umatras ang NPA at naniniwala ang mga awtoridad na may sugatang mga rebelde dahil sa bakas ng dugo sa kanilang rutang tinakasan.

Naganap ang engkwentro isang araw pagkatapos ng ika-54 na anibersaryo ng pagkakatatag ng NPA, ang armadong grupo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Basahin: 3 lider ng NPA, napaslang sa magkakahiwalay na sagupaan sa Agusan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nasa lugar ang mga rebeldeng NPA na pinaniniwalaang nasa ilalim ng Baloy Platoon ng Central Front Committee sa Panay Island para sa extortion activities.

Pinuri ng 3rd Infantry Division (ID) ang mga residente sa pagpapaalam sa militar tungkol sa presensya ng NPA.

“This is a clear manifestation that the locals are already fed up with the terroristic activities of the NPAs. They can run, but they can’t hide, for we have the support of the community,” ani Brig. Gen. Marion Sison, 3rd ID chief.

Tara Yap