Natagpuan ding patay nitong Biyernes, Marso 31, ang huling nawawala matapos bumagsak ang bubungan ng isang templo sa India noong Huwebes, Marso 30.
Sa ulat ng Agence France Presse, umabot na sa 36 indibidwal ang itinala ng pulisya na nasawi mula sa 35 indibidwal na una nang naiulat.
BASAHIN: Mga nasawi sa bumagsak na temple roof sa India, umakyat na sa 35
"Seventeen people were rescued yesterday. Thirty-six bodies have been recovered," ani senior police officer Manish Kapooria sa AFP.
Na-cremate na umano ang mga nasawi sa malapit sa pinangyarihan ng aksidente nitong Biyernes pagkatapos ng maikling seremonya ng libing.
Ayon sa opisina ni Prime Minister Narendra Modi, bibigyan ng kompensasyon na 200,000 rupees ($2,400) ang pinakamalapit na kaanak ng mga nabiktima.
Ibinahagi naman ni Narottam Mishra, home minister ng Madhya Pradesh state, na inilunsad na rin ang imbestigasyon para malaman ang pinagmulan ng nasabing aksidente.