Tila iniba ng isang doctor na ito ang paniniwalang awtomatikong pangit ang 'sulat kamay ng mga doktor,' dahil sa kaniyang magandang pagkakasulat sa isang reseta.
“From practicing the alphabet, writing essays, and answering tons of exams… we’ve come to this point of using a pen and paper,” aniya sa caption.
Pagbabahagi niya na mas mabuting ganito kaayos ang pagkakasulat sa isang preskripsyon dahil marami umanong nagiging pasyente sa isang komunidad ang nagkakamali dahil hindi naman lahat ay nakakaintindi ng wikang Ingles.
Dagdag pa rito, maaari umano itong makapahamak ng buhay ng isang tao dahil sa tinatawag na “medication errors” kapag hindi maintindihan ng pasyente ang reseta.
“Mas mabuti kung maiintindihan ito ng lahat para iwas tayo sa mga tinatawag nating “medication errors” na dulot ng hindi maayos na pagkakaintindi sa mga nakasulat sa prescription. Ang mga medication errors na ito ay pwede ring makapahamak sa buhay ng mga pasyente natin.”
Narito ang ilang komento ng netizens:
“The handwriting doc!! Sarap sa eyes”
"Sana ganyan lahat ang sulat ng doctor naiintindihan nang lahat. Good job doc."
"Ang ganda ng sulat, mas naiintindihan ng pasyente yung tamang pag inom kung ganyan ba naman ang gagawin, ibang doctor kasi tamad magsulat."
“As a Pharmacist, I must say this is commendable! Way to go, Doc!”
“Hala ang ganda ng handwriting tapos naka-Filipino pa yung instruction ang galing”
“Mas madaling mauunawaan ng pasyente. Kudos!”
“The only doctor i’ve seen with a comprehendible hand writing.”
“Ganyan dapat may concern sa pasyente madalas kc di q maintindihan sulat nila yn klaro lalo na sa tulad q senior.”
—
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!