Ipinatupad na ng mga kumpanya ng langis ang malakihang rollback sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) nitong Sabado, Abril 1.

Sa magkahiwalay na abiso ng Petron at Phoenix LPG, ipinatupad ng mga ito ang bawas na ₱9.20 sa presyo ng kada kilo ng kanilang LPG.

Nasa ₱9.18 naman ang itinapyas ng Solane sa bawat kilo ng kanilang produkto.

Ang naturang price adjustment ay katumbas ng mahigit ₱100 na bawas presyo sa kada 11kg. na LPG tank.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Resulta ito ng paggalaw ng presyo ng produkto sa pandaigdigang merkado.

Philippine News Agency