Ibinahagi ng Vatican na mayroong bronchitis si Pope Francis ngunit pagaling na umano siya matapos gamutin ng antibiotics, at maaari nang ma-discharge sa mga darating na araw.

Sa ulat ng Agence France Presse, ipinahayag ng Vatican ang sinabi ng medical staff na nag-aalaga sa 86-anyos na pope nitong Huwebes, Marso 30, na bumubuti na ang kalugusan nito mula sa bronchitis.

“The Holy Father was found to have an infectious bronchitis which required the administration of antibiotics,” saad ng medical staff ni Pope Francis.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni, ginugol ng pope ang maghapon sa pamamahinga, pagdarasal, at paggawa ng ibang trabaho.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nagpasalamat naman si Pope Francis sa mga nagdasal para sa mabilis niyang paggaling.

"I am touched by the many messages received in these hours and I express my gratitude for the closeness and prayer," aniya sa kaniyang Twitter post nitong Huwebes.

Matatandaang na-admit sa ospital ang pope noong Miyerkules, Marso 29, matapos dumaing na may mga ilang pagkakataon umanong nahihirapan siyang huminga.

BASAHIN: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection